k

Wednesday, June 08, 2005

kelan kaya ...

madami akong tanong sa sarili ko .. but thanks to a friend of mine, natanong nya ako kung ano yun mga yun.

Kelan kaya ...

... magkakaroon ng bahay na matatawag kong akin
... makakapunta sa lahat ng mga lugar na gusto kong puntahan (madami eh .. ito ang iba sa list >> Davao, Pagudpod, EL Nido, Japan, Italy, Paris, America, Australia, South America, at madami pang iba)
... makaka-own ng beachfront rest house
... matatapos ang pag-iisip ko kung sino ang pupunta sa wake ko
... di na ako magiging morbid .. hehehe
... titigil ang madami sa ibang recurring dreams ko
... makakahiligan ang pagbabasa ng newspaper
... magbabago ang project na hawak ko [ UB support for life!!! =( ] [ nagbago nga ng project pero same pa din ng client .. hehehe .. dapat yata ang ni-request ko ay bagong client .. bwahahahaha! ]
... mawawala ang pollution
... lilinis ang politics at talagang masasabing para sa tao talaga
... titino ang government officials na may topak.
... susunod ang mga tao sa laws laid for them
... matututong mag-drive outside subdivision
... makakasakay sa hot air balloon, yacht, cruise liner, jet, super bike
... maibibigay sa parents ko ang lahat ng luho na gusto kong maibigay sa kanila
... makakaranas ng love na masasabi mong ito na yun
... tatangkad pa .. hahaha
... papayat din =P
... makakakita ng perfect sunset
... makakapagsalita ng ibang language maliban sa filipino at english (Italian, french, japanese)
... makakatanggap ng bouquet of flowers (di yung gumamela at santan ha .. yung yellow roses or tulips naman =D) [ someone gave me 2 yellow roses & lots of tulips in a flower arrangment with other flowers surrounding it, sept 13 .. they are pretty nice ]
... magkakaroon ng lakas ng loob para mag-try ng ibang opportunities
... magtitiwala sa mga kakayahan na ipinagkaloob ni God (kung meron man .. kitams! swak ang item na ito sa topic!)
... makikita ng tao na di mataray, suplada or intimidating
... magiging fun and outgoing
... mao-overcome ang fear of public speaking
... magiging contented sa ano man ang meron ngayon
... may makikinig sa akin at papansin
... matatatak sa isipin na we should look past physical appearance and will not make judgement based on it
... mare-reach ang lahat ng goals ko for myself
... magiging unselfish lahat ng people
... magkakaroon ng peace sa mundo
... malalaman ang totoong purpose bakit ako andito
... magkakaroon ng fulfillment sa buhay
... mawawalan ng mga questions sa isip (malamang kapag di na gumagana)

... as of now wala na akong ibang maisip .. babalikan ko ito =) ...

6 Comments:

Blogger blue_palito said...

ikaw morbid? d ko alam un a..

andami mo tanong hehe.

me mga sagot ba yan?

11:43 AM  
Blogger neel said...

oo morbid ako .. laging nag-iisip .. either how i would die .. paano kapag wala na c ano paano na .. o kaya ano kaya magyayari kapag wala na ako .. mga ganung bagay .. buti nga ngayon nabawasan na eh =)

12:11 PM  
Anonymous Anonymous said...

--just a piece of advice, unsolicited--
once nagtatanong din ako ng kailan ko mapupuntahan ang mga places...tapos ginawa ko syang goal, nagkaroon ng liwanag at iyong iba nagkatotoo, try mo?
--just a piece of advice, unsolicited--

1:24 PM  
Blogger neel said...

i agree with you. actually i did that with the other places i've been to and its a great feeling kapag napuntahan mo yun. on some cases naman pure luck na lang why i was able to go there, 'coz of my parents & at the same time dala na din ng work =).

sana you left your name, but anyways, thanks for a very good advice! =D

2:08 PM  
Blogger botchok said...

malen!!!.. welcome sa blog.. hehe.. dont tell me si sarahpot din ang nagintroduce syo dito.. =)

add ko blog mo ah.. =)

4:03 PM  
Blogger neel said...

chure, add mo. no problem ;)

4:28 AM  

Post a Comment

<< Home