k

Monday, January 30, 2006

weekend kulitan

sa takbo ng mundo ngayon bihira ng magkakitaan ang mga magkakasambahay. tulog na ang isa kapag dumating ka o kaya naman eh tulog ka ng aalis na sya. di kasi nagtutugma ang mga schedule sa work school and play. buti na lang may weekend pang natatawag at kahit paano eh may natitira pang araw para sa family bonding, itong family bonding na ito eh binansagan ng mama ko na weekend kulitan. weekend kulitan dahil tuwing weekend na lang naglalambingan, nag-aasaran, nagkakausap ang parents ko at ang kapatid ko at minsan ako na rin. isa sa mga memorable na weekend kulitan ay ang kakalipas lang, my mom & my sister, ako at ang dadi. huli't lumaon, dahil sa usapang ligaw-ligaw at ang unexpected na pagbibiro ko na magpapakasal na ako eh (kagaguhan ko lang .. hehehe .. very silly banter for my dad) di maiwasan na ma-feel nila na di na babies ang babies nila. di maiwasang humiling ang parents. hiling ng dad. hiling ng mom. never makalimot. never mawala ang weekend kulitan (kasama na dun ang weekend treat daw .. hahahaha)